NOBENA NG INA NG AWA
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Pagdarasal ng Banal na Rosaryo
I. PAGBATI
Lahat: Binabati ka namin, Maria aming Ina. Masdan mo kami bilang mga anak sa harap ng kanilang maawaing ina. Batid namin na dinidinig at tinutugon mo ang aming mga karaingan. Nakikigalak kami sa iyo, O Birheng Maria, sapagkat ang Panginoon na aming tagapagligtas ay kapiling mo.
II. AWIT
ABA GINOONG MARIA
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
ang Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,
at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan,
ngayon at kung kami mamamatay.
Amen.
III. MABUTING BALITA
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lukas
(Lukas 1:46-55)
At sinabi ni Maria, "Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap Niya ang Kaniyang abang alipin! At mula ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi, dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan banal ang Kanyang pangalan! Kinahahabagan niya ang mga may takot sa Kaniya, sa lahat ng sali't saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kaniyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mga mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi magpakailanman!"
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Lahat: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
(Ilang sandalling tahimik na pagninilay)
IV. PAGSISISI
Lahat: O Panginoong Hesukristo, Diyos na totoo at taong totoo, na Siyang lumikha at tumubos sa amin sa pagkakasala, naninikluhod kami sa harap ng iyong kadakilaan at kaluwalhatian. Taos puso kaming nagsisisi sapagkat nagkasala kami sa Iyo, Panginoon na marapat naming ibigin nang buong puso. Sumasampalataya kami sa Iyong walang hanggang awa. Ikaw ang aming Panginoong Diyos na minamahal naming nang higit sa lahat. Sa tulong ng Iyong banal na grasya, kami ay nagtitika at nangangakong ikukumpisal ang aming mga kasalanan at magsisikap na iwasan ang daan tungo sa pagkakasala. Nawa sa pamamagitan ng iyong pagdurusa, pagkamatay sa krus at muling pagkabuhay, kami ay mapatawad mo.
V. PANALANGIN 1
Pinakamamahal na Ina, ako'y lumalapit sa iyo, lumuluhod sa iyong paanan upang parangalan ka, at upang suklian ng pasasalamat ang aking malaking utang na loob sa iyo. Sa natatanging paraan, ibig kong ipahayag sa abot ng aking makakaya ang hindi maarok na pagmamahal ng Panginoong Hesukristo para sa iyo. Bilang Ina ng Awa, ipinababatid ko sa iyo ang aking kalagayan, ang aking mga pangangailangan, pagsamo at panalangin. (tahimik na ipahayag ang pansariling kahilingan at panalangin). Ina ng Diyos, ipanalangin mo ako sa iyong Anak. Ina ng aking tagapagligtas, saklolohan moa ko ngayon. Sa pamamagitan ng debosyong ito, ipahintulot mong higit kong makilala ang iyong Anak at higit din kitang makilala. Turuan mo akong manalangin. Tulungan mo akong tularan ang buhay ng Panginoong Hesukristo. O Ina ng Diyos, at Ina ng Awa, ipanalangin moa ko sa iyong Anak, na nawa'y mahalin ko ang Diyos ng higit sa lahat at mahalin ko ang kapwa tulad ng pagmamahal ko sa aking sarili.
(Ilang sandalling katahimikan)
VI. MEMORARE
(Mas mainam kung aawitin)
Alalahanin mo, O mapagmahal na Birheng Maria, na kailanman ay hindi nangyari na binigo mo ang mga naninikluhod sa iyo at humihiling ng grasya. Dahil sa tiwala naming sa iyo, agad-agad kaming lumalapit sa iyo, O Birhen ng mga birhen, aming Ina. Lumalapit kami sa Iyong harapan, mga makasalanan at namimighati. O Ina ng Salitang nagkatawang tao, pahalagahan mo ang aming mga kahilingan, at sa iyong habag ay pakinggan mo kami at tugunin, Amen.
VII. PANALANGIN 2
Bukod kang pinagpala, Birheng Maria sa iyong pagsagip sa nalugmok na sansinukob. Sa pamamagitan ng iyong bukas- palad na pagsang-ayon na maging Ina ni Hesus na aming Manunubos, naging daan ka sa pagsagip ng nalugok na sansinukob.
Tanggapin mo ang aming pasasalamat at sa pamamagitan ng iyong panalangin, matamo nawa naming ang awa at kapatawaran ng aming mga kasalanan at pagkukulang. Ipagkasundo mo kami sa Anak mong si Hesukristo at dalhin mo ang aming mga panalangin sa Kaniyang kabanal-banalang kanlungan.
Santa Maria, tulungan mo ang mga aba, patatagin ang mga pinanghihinaan ng loob, paginhawain ang mga nahahapis, ipanalangin ang iyong mga anak, magsumamo ka para sa mga kaparian. Ipamagitan mo sa Diyos ang mga babaeng nagtalaga ng kanilang sarili sa Kanya, nawa lahat ng nagpaparangal sa iyo ay makaramdam ngayon ng iyong tulong at kalinga.
Mahal na Ina ng Awa, maging maagap ka sa iyong pagsaklolo kung kami ay tumawag. Ihatid mo agad ang tugon sa aming mga panalangin. Gawin mong walang humpay na malasakit ang dumalangin para sa bayan ng Diyos, sapagkat bukod kang pinagpala ng Panginoon at ginawang karapat-dapat na magsilang ng Tagapagligtas ng sanlibutan na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
VIII. LITANYA NG MAHAL NA BIRHEN
Panginoon, maawa ka sa amin;
Kristo, maawa Ka sa amin;
Panginoon, maawa Ka sa amin;
Kristo, pakinggan Mo kami;
Kristo, pakapakinggan Mo kami;
Diyos Ama sa langit, maawa Ka sa amin;
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa Ka sa amin;
Diyos Espiritu Santo, maawa Ka sa amin;
Santisima Trinidad na Tatlong Persona at Iisang Diyos, maawa Ka sa amin;
Santa Maria, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Santang Ina ng Diyos, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Santang Birhen ng mga Birhen, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Ina ni Kristo, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Ina ng grasya ng Diyos, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Inang kasakdal-sakdalan, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Inang walang malay sa kahalayan, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa
Inang di malapitan ng masama, Ikubli mo kami sa ilalin ng iyong awa
Inang kalinis-linisan, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa
Inang ipinaglihing walang kasalanan, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Inang kaibig-ibig, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Inang kataka-taka, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Ina ng mabuting kahatulang, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Ina ng may gawa sa lahat, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Ina ng mapag-adya, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Birheng kapaham-pahaman, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Birheng dapat igalang, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Birheng dapat ipagbantog, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Birheng makapangyayari, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Birheng maawain, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Birheng matibay na loob sa magaling, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Salamin ng katuwiran, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Mula ng tuwa naming, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Sisidlan ng kabanalan, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Sisidlan ng bunyi at bantog, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Sisidlan ng bukod-tanging katimtiman, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Torre ni David, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Torreng Garing, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Bahay na Ginto, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Kaban ng Tipan, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Pinto ng langit, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Talang maliwanag, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Mapagpagaling sa mga may sakit, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Mapang-aliw sa mga nagdadalamhati, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Mapag-ampon sa mga Kristiyano, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng mga anghel, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng mga patriarka, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng mga Propeta, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng mga Apostol, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng mga martir, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng mga tagapagpahayag ng pananampalataya, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng mga birhen, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng lahat ng mga santo, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reynang iniakyat sa langit, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng kasantu-santuhang rosary, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng mga Pamilya, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Reyna ng kapayapaan, Ikubli mo kami sa ilalim ng iyong awa.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Patawarin mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Pakapakinggan mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa ka sa amin.
IX.PANGWAKAS NA AWIT
(Habang inaawit, iinsensuhan ang imahen ng Ina ng Awa)
SALVE REGINA
Salve Regina, Mater misericordiae;
vita dulcedo et spes nostra salve.
Ad te clamamus, exsules filii Hevae,
Ad te suspiramus, gementes et flentes
in hac lacrimarum valle.
Eia ergo, advocata nostra,
illos tuos, misericordes oculos ad nos converte.
Et Jesum, benedictum fructum ventris tui.
nobis post hoc exsilium ostende.
O Clemens, O Pia, O Dulcis, Virgo Maria.